DA-NFRDI, NAKIPAGPULONG SA LGU ALAMINOS PARA SA OYSTER CULTURE PROJECT

Nagsagawa ng courtesy call ang team mula sa Department of Agriculture–National Fisheries Research and Development Institute (NFRDI) sa Pamahalaang Lungsod ng Alaminos kaugnay ng pagpapatupad ng proyektong “Modified Bamboo Raft Technology for Oyster Culture” sa ilalim ng FishCoRe Project.

Pinangunahan ni NFRDI Project Leader Niko Macaraeg ang pagbisita at nakipagpulong kina City Mayor Arth Bryan C. Celeste at City Administrator Arthur C. Celeste Jr., kung saan ipinahayag ng lokal na pamahalaan ang buong suporta nito sa implementasyon ng naturang proyekto.

Matapos ang courtesy call, nagsagawa rin ang grupo ng paunang site visit at assessment sa Barangay Baleyadaan bilang bahagi ng pag-aaral at paghahanda para sa proyekto.

Kasama ang Fishery Sector ng tanggapan ng lungsod, tinalakay rin ang mga susunod na hakbang at plano upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng programa.

Inaasahang makatutulong ang proyekto sa pagpapalawak ng oyster culture sa lungsod at sa pagpapalakas ng kabuhayan ng mga lokal na mangingisda sa pamamagitan ng mas makabagong teknolohiya sa aquaculture. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments