Arestado ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga habang mahigit ₱142,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa isinagawang buy-bust operation ng Dagupan City Police Office (DCPO) madaling-araw ng Hulyo 4.
Naaresto sa operasyon ang isang 30 anyos na lalaki na nagtatrabaho bilang pintor at residente ng Dagupan City.
Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 21 gramo ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride o shabu na may tinatayang standard drug price na ₱142,800.
Narekober din ang isang cellphone, marked money, at boodle money na ginamit sa isinagawang transaksiyon.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Dagupan City Police Office ang suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 na isasampa laban sa kanya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








