TOP 10 MOST WANTED SA STO. TOMAS, PANGASINAN, ARESTADO

Patuloy na pinaigting ng Pangasinan Police Provincial Office (PangPPO) ang kampanya nito laban sa mga wanted persons matapos maaresto ang kabilang sa Top 10 Most Wanted Persons sa municipal level sa Sto. Tomas, Pangasinan.

Ayon sa ulat ng Sto. Tomas Municipal Police Station, kinilala ang naaresto na isang 54 anyos na lalaki na kabilang sa listahan ng Top 10 Most Wanted sa kanilang bayan.

Nahaharap ito sa isang warrant of arrest kaugnay ng limang bilang ng kasong Acts of Lasciviousness. Inirekomenda ng korte ang piyansang ₱36,000 para sa bawat bilang ng kaso.

Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng Sto. Tomas Municipal Police Station para sa tamang dokumentasyon at pagsasagawa ng mga legal na hakbang. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments