Saturday, August 22, 2026

574 TUPAD BENEFICIARIES, SUMALANG SA PROFILING SA DAGUPAN CITY

‎Sumalang sa profiling ang 574 benepisyaryo ng TUPAD ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Dagupan City noong Agosto 20, 2026.

‎Ayon sa PESO Manager ng lungsod na si Joy Siapno, nakatalagang magtrabaho ang mga mapipiling benepisyaryo nang 10 araw para sa paglilinis ng mga paaralan at iba pang lugar na naapektuhan ng tuloy-tuloy na pag-ulan.

‎Kabilang sa mga na-profile ang mga kwalipikadong residente ng Dagupan City mula sa iba’t ibang sektor, kabilang ang transport sector at mga miyembro ng MAARON INA.

‎Aantayin pa ang anunsyo ng DOLE kung kailan eksaktong magsisimula ang kanilang trabaho at deployment.
‎ ‎Sa ilalim ng TUPAD, bibigyan ng pansamantalang trabaho ang mga kwalipikadong benepisyaryo habang tumutulong sa paglilinis at pag-aayos ng mga lugar na naapektuhan ng pag-ulan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments