REGULAR NA INVENTORY NG MGA PAPAG VENDORS SA BAYAMBANG PUBLIC MARKET, ISINAGAWA

Patuloy na isinusulong ng Local Government Unit (LGU) ng Bayambang, sa pamamagitan ng Special Economic Enterprise (SEE) Office, ang regular na pagsubaybay at quarterly inventory ng mga papag vendors sa Vegetable, Fruit, at Tinapa-Buro Sections ng Bayambang Public Market.

Layunin ng gawaing ito na masigurong maayos at napapanaho ang talaan ng mga papag, pati na rin pagtutok sa paggamit ng nakalaang pwesto para sa mga ito maging pagpapanatiling orgnaisado at maayos ang loob ng pamilihan.

Sa pamamagitan ng regular na monitoring at inventory, higit na napagtitibay ang maayos, episyente, at responsableng pamamahala sa pampublikong pamilihan upang makapagbigay ng maayos na kapaligiran para sa kapakanan ng mga mamimili at mga nagtitinda.

Patuloy ang LGU-SEE Office sa pagpapatupad ng mga hakbang tungo sa isang organisado, maayos na pamilihan para sa mga residente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments