5ID, Kampanteng Tuluyan nang Humina ang Teroristang Grupo sa Rehiyon

Tagumpay na maituturing at kampante ang kasundaluhan ng 5th Infantry Star Division sa kanilang pahayag na tuluyan ng humihina ang pwersa ng komunistang teroristang grupo sa buong Rehiyon.

Ito ay dahil sa sunud-sunod na pagsuko ng mga dating rebelde at pagkakarekober ng mga armas pandigma kung saan pinakabago nga ay ang apat (4) na katutubong Dumagat ang sumuko dala ang walong matataas na kalibre ng baril noong August 25, 2022 sa Peñablanca, Cagayan.

Ayon sa Heneral, isa sa kanilang tinitignan ay ang pagkakaroon ng hidwaan sa pamumuno sa loob ng organisasyon ng teroristang grupo na siyang dahilan ng patuloy na paghina ng pwersa nito.

Samantala, ayon naman sa mga sumuko, ang dati nilang Kumander ay nagtungo sa Cagayan ngunit hindi na bumalik pa at ang bagong namumuno sa kanila ay mula pa sa Mindanao na si “Ka Jed”.

Kaugnay nito, hinikayat naman ng apat na sumuko ang apat na iba pang Dumagat na kasama nila sa grupo na bumaba na sa bundok at magbalik-loob na rin sa Pamahalaan.

Facebook Comments