Singer na si Ronnie Liang, may master’s degree na!

Graduate na sa Master’s Degree in Management, Major in National Security and Administration sa Philippine Christian University ang singer na si Ronnie Liang.

Sa kaniyang Instagram post, proud na ibinahagi ng singer ang magandang balita at sinabing nagbunga na ang kanyang pagsusumikap.

Bilang isang artista, “empowering tool” aniya para sa kaniya ang pagkuha ng mas mataas na edukasyon na magbibigay sa kaniya ng mas maraming oportunidad.


Say pa ni Ronnie, first love niya ang maging isang singer at childhood dream naman niya ang pagiging pilto, pero ang kaniyang masters degree raw ang magiging mas malakas na safety net niya sa buhay.

Matatandaang ipinagpatuloy ni Ronnie ang kanyang master’s degree matapos niyang magtraining bilang piloto sa APG International Aviation Academy at matanggap ang kanyang lisensya, kung saan natupad ang kanyang pangarap na magpalipad ng eroplano.

Facebook Comments