600 Milyong Pisong halaga ng bagong Bohol Capitol Building.

Ipinagmalaki ng pamunuan ng Public Works and Highways na nakumpleto na ang P664.7- milyon ng bagong Bohol Capitol Building.

Ayon kay Public Works and Highways Secretary Mark Villar ang bagong Bohol Capitol Building ay nakumpleto na upang palitan ang lumang Capitol Building na nawasak ng mangyari ang lindol noong 2013 sa Bohol.

Paliwanag ni Villar masaya siyang ibalita na ang malaking 4-storey Provincial building ay magagamit na ng Bohol Local Government Officials at staff sa pagbibigay serbisyo publiko sa mga Boholanons.


Giit pa ng kalihim ang bagong Bohol Capitol Building na itinayo ng DPWH Region VII na mayroong 23,139-square meter government lot sa Barangay Dao, Tagbilaran City ay ginawa ng mas malaki kaysa sa lumang Capitol Building na mayroong 48 office spaces, session hall, ceremonial hall, viewing hall, fine dining room, conference room, archives, roof deck, 42 car slot at 75-motorcycle slot parking areas, two (2) 800-kg passenger elevators at one (1) 1600-kg service elevator, air conditioning units, fire sprinkler system, fire alarm system, smoke detectors, speakers, as well as CCTV cameras.

Sinimulan ang pagtatayo ng bagong Bohol Capitol Building na ipinatupad noong January 10, 2016 hanggang February 8, 2019 na pinondohan ng halagang P664.66 million.

Facebook Comments