6th COVID-19 Death case sa Batanes, Isang 80-anyos na Lalaki

35
Cauayan City, Isabela- Pumanaw na ang isang 80-anyos na lalaki na Returning Residents ng Ivana, Batanes habang nasa pangangalaga ito ng Batanes General Hospital kahapon, Enero 16.

Sa abiso ng Provincial Government, ito ang ika-anim na kaso ng pagkamatay sa lalawigan dahil pa rin sa kaso ng COVID-19.

Dumating sa lalawigan ang nasabing lalaki nito lamang Sabado, Enero 15, 2022 lulan ng Philippine Airlines mula Metro Manila.

Agad naman itong dinala sa pagamutan matapos makaranas ng hirap sa paghinga hanggang sa sumailalim sa RT-PCR test at lumabas na positibo sa COVID-19.

Ayon sa health authorities, may malubhang karamdaman ang pasyente na pinalala pa umano ng COVID-19.

Gayunman, kinailangan namang sumailalim sa 14-day quarantine ang mga kasabayan nito sa eroplano na maituturing na close contacts ng pumanaw na pasyente.

Facebook Comments