75 BABY PAWIKANS, PINAKAWALAN SA DALAMPASIGAN NG LA UNION

Pinakawalan sa coastal area ng San Juan, La Union ang mga baby olive ridley sea turtles o pawikan bilang pakikibahagi sa selebrasyon ng World Wildlife Day.

Nasa 75 na mga baby pawikan mula sa pangunguna ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Ilocos Region kasama ang grupong Coastal Underwater Resource Management Action (CURMA) ang hinayaang makabalik sa dalampasigan.

Ang CURMA ay isang volunteer group kung saan may layon na maprotektahan ang mga endangered species at nagsusulong ng mga programang nanghihikayat sa mga dating poachers upang maging isang ganap na turtle protectors.

Ayon kay DENR Regional Executive Director Atty. Crizaldy Barcelo, tinitiyak nila ang patuloy na pagbibigay proteksyon at conservation sa mga ganitong klase ng species na siyang may malaking ambag din sa pagpapalakas ng turismo at kagandahan ng karagatan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments