BIRD WATCHING ACTIVITY, ISASAGAWA SA ILOCOS REGION

Inaabangan na ang mga bago at kakaibang bird species na posibleng makita sa buong rehiyon sa isasagawang Regional Bird Watching Activity ng Department of Tourism Region 1 ngayong Marso.

Kasabay ng spring migration period ng mga ibon ngayong buwan, magsisimula ang bird watching activity sa iba’t-ibang bayan ng Ilocos Norte hanggang sa bulubundukin ng Mangatarem.

Kabilang sa mga bird species na namataan sa rehiyon sa mga nakaraang birdwatching activity ay mga ibon mula sa winter countries na Rufus Hornbill, Sawi, Chinese Terd at ilan pang endemic birds sa bansa.

Inaasahan na ilang mga Bird Professionals at DOT-Accredited Tourist Bird Sites Guides ang makikiisa sa aktibidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments