Friday, May 8, 2026

MOST WANTED SA REHIYON, NAARESTO SA SOUTH COTABATO DAHIL SA KASONG PANGGAGAHASA SA MENOR DE EDAD

Nasakote ng Rosales Municipal Police Station ang Top 4 Most Wanted Person sa regional level na may kinakaharap na kasong panggagahasa sa menor de edad, sa bisa ng warrant of arrest na walang inirekomendang piyansa, noong Abril 15, 2026 sa Tantangan, South Cotabato.

Ang suspek ay isang 45-anyos na construction worker, tubong Rosales, Pangasinan ngunit pansamantalang naninirahan sa South Cotabato.

Isinagawa ang operasyon sa pamamagitan ng pinaigting na intelligence monitoring at mahigpit na koordinasyon sa South Cotabato Police, na nagresulta sa pagkakadakip ng akusado.

Matapos maaresto, inihatid ang suspek pabalik sa Rosales para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Rosales MPS ang akusado habang isinasagawa ang mga kaukulang legal na proseso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments