
Umarangkada na ang “PuroKalusugan” program ng Department of Health (DOH) para sa mga magsasaka, tsuper, at mga barangay health workers.
Isinagawa ang programa sa mismong tanggapan ng DOH sa Rizal Avenue, Sta. Cruz, Maynila.
Target ng DOH na mabigyan ng serbisyo ang nasa 250 indibidwal mula sa nasabing mga sektor.
Kabilang sa mga dumalo ang mga tsuper ng jeep na miyembro ng Pasang Masda, ALTODAP, at MANIBELA, gayundin ang mga tricycle driver.
Sumailalim din sa iba’t ibang serbisyo ang mga magsasaka mula sa Nueva Vizcaya at mga barangay health workers sa Maynila.
Ilan sa mga serbisyong iniaalok ng DOH ay libreng checkup, pagpaparehistro para sa PhilHealth, dental services, at screening para sa tuberculosis (TB) at human immunodeficiency virus (HIV).
Bukod dito, makatatanggap ang bawat dumalo ng tig-isang sako ng bigas, groceries, at mga gulay bilang bahagi ng programa.










