PAGLALAGAY SA MGA KABLE NG INTERNET SA UNDERGROUND PIPE SYSTEM NG LA UNION, ISINUSULONG

Muling isinusulong ng isang mambabatas sa La Union ang striktong pagpapatupad ng Provincial Ordinance 418-2023 o ang mandato sa paglalagay ng mga kable ng internet o telecom cable sa underground pipe system.

Ito ay matapos ang trahedyang kinasangkutan ng isang SK Chairperson sa Bauang, La Union na nasawi matapos matali sa nakalaylay na kable ng internet na nadaplis ng isang sinusundang trak habang nagmamaneho.

Ayon kay SP Member Maria Annabelle De Guzman sa kanyang privilege speech sa Sangguniang Panlalawigan, maaaring maiwasan ang naturang aksidente kung tinutukan ang pagpapatupad ng naturang ordinansa.

Sa huli, hinimok ng mambabatas na linisin ang mga nakalaylay o ‘spaghetti wires’ sa mga kakalsadahan upang maiwasan ang mga aksidente sa kakalsadahan ng lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments