
Pinaghahandaan na ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang posibleng pagbabalik sa Pilipinas ng puganteng dating kongresista na si Zaldy Co.
Sinabi ni BJMP Spokesperson Jail Supt. Jayrex Bustinera na matagal nang pinaghandaan ng BJMP ang pagkulong sa mga personalidad at opisyal na sangkot sa anomalya sa flood control projects.
Ayon kay Bustinera, matatandaan na nagsagawa na noon si Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla ng inspeksyon sa mga jail facility kung saan ikukulong ang mga may flood control case.
At sa kasalukuyan, may mga naka-bilanggo na gaya ng isang dating senador, mga dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at contractors.
Sakaling maiuwi na si Co sa Pilipinas at may utos na ang Sandiganbayan o anumang korte patungkol sa pagkulong sa dating kongresista , sinabi ni Bustinera na tatanggapin ito ng BJMP at ipatutupad nang naaayon sa proseso.
Una nang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nadakip na si Co sa Prague.










