Friday, April 17, 2026

PBBM, ikinatuwa ang pagkakahuli ni Zaldy Co—Malacañang

Ikinatuwa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagkakaaresto kay dating Ako-Bicol Rep. Zaldy Co sa Czech Republic.

Ito ang inamin ng Malacanañg matapos makumpirmang nahuli na si Co ng mga awtoridad matapos na mabigong tumawid sa border ng Germany.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, magandang balita ang pagkakahuli kay Co dahil isa ito sa maituturing na big fish sa flood control scandal.

Bagama’t hindi pa man nahahatulan si Co sa kaso, maituturing itong pugante dahil may warrant of arrest at kanselado na rin ang kaniyang pasaporte.

Dagdag pa ni Castro, senyales din aniya ang pagkakadakip kay Co na umuusad ang imbestigasyon sa mga kuwestiyonableng flood control projects na unang ipinasilip ni Pangulong Marcos.

Naniniwala rin ang Malacañang na mahalagang maibalik si Co sa Pilipinas upang harapin ang mga kaso at maipaliwanag ang mga alegasyon laban sa kaniya.

Facebook Comments