AFP, hindi pa masabi kung anu-anong mga impormasyon ang nakompromiso mula sa nahuling Chinese spy

Inaalam pa sa ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang lawak ng epekto ng pang-eespiya ng Chinese na naaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation o NBI.

Ayon kay AFP Spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla, hindi pa nila masabi kung mayroong mga intelligence at national security operations ang nakompromiso.

Aniya, itinuturing nilang issue of concern ang pange-espiya ng nahuling Chinese.


Sa ngayon, ani Padilla, pagtutuunan nila ng pansin ang pagpapalakas ng kanilang cyber operations at intelligence gathering na bahagi ng pagdadagdag ng mga skilled personnel sa kanilang AFP Cybercommand.

Facebook Comments