Comprehensive sexuality education, ni-rollout na umano sa DepEd – Sereno

Pinag-aaralan umano ng isang religious group na humingi ng Temporary Restraining Order (TRO) sa Supreme Court, ito ay sa sandaling hindi bawiin ng Department of Education (DepEd) ang Department Order 31  na tumatalakay sa sex education.

Ito ang ipinahayag ni dating CJ Maria Lourdes Sereno sa isang pulong balitaan.

Ayon kay Sereno, 2018 pa nai-rollout ng DepEd ang pagtuturo ng sex education.


Nangangamba siya na sa bandang huli ay sasabog ang mas malaking problema rito .

Paglabag aniya ito sa Konstitusyon dahil inalis ang consent ng mga magulang sa karapatan sa sexual rights at gender identity.

Hindi naman niya umano binabangga si Senador Risa Hontiveros, pero bilang abogado, naniniwala siya na kung international standards ang pagbabatayan, dapat ay nakabatay ito sa framework ng UNESCO.

Naniniwala si Sereno na end game na o maititigil ang Comprehensive Sexuality Education Bill sa Senado dahil nagsalita na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Facebook Comments