Wednesday, July 22, 2026

AFP, itinanggi ang pahayag ng China Coast Guard na pinayagan itong magsagawa ng medical evacuation sa mga sugatang personnel ng Philippine Navy sa Ayungin Shoal

Itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang claim ng China Coast Guard (CCG) na pinayagan silang magsagawa ng medical evacuation sa mga sugatang personnel ng Philippine Navy sa Ayungin Shoal.

Ayon sa AFP, hindi nito hinihingi o kinakailangan ng permiso sa kahit na anong foreign nation na magsagawa ng mga operasyon sa loob ng sariling Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.

Dagdag pa ng AFP, anumang claim ng CCG na pinayagan sila sa nasabing operasyon ay isang maling naratibo na may intensyong mag-project ng ilihitimong awtoridad kahit wala naman talaga.

Nanawagan naman ang AFP sa People’s Liberation Army (PLA) Navy, CCG at sa maritime militia nito na itigil ang umano’y ilegal na aktibidad at igalang ang international law.

Pinasalamatan naman ng AFP ang Philippine Coast Guard (PCG) sa matagumpay na pagsasagawa ng medical evacuation sa mga sugatang personnel.

Facebook Comments