Wednesday, July 22, 2026

“Fishing expedition” na palaging ibinibintang ng depensa sa prosekusyon ng impeachment ni VP Sara, dapat matuldukan na

Ayon kay House Prosecution Legal Spokesperson Atty. Benjamin “Jay” Tolosa Jr., dapat matuldukan na ang hinalang “fishing expedition” matapos pahintulutuan ng Senate Impeachment Court ang pag-subpoena sa bank at tax records ni Vice President Sara Dsuterte at mister na si Atty. Manases Carpio.

Diin ni Tolosa, walang ginawang fishing expedition ang panig ng prosekusyon dahil sa simula pa lang ay tukoy na nila ang mga ebidensya, dokumento at mga testigo para sa impeachment case laban kay VP Sara.

Paliwanag naman ni House prosecutor and Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno, noong pumasok ang impeachment complaint laban kay VP Sara sa Committee on Justice ng House of Representatives ay tinupad nila ang tungkulin na idetermina kung mayroon itong probable cause.

Ayon kay Diokno, wala sa trabaho ng komite na halungkatin ang lahat ng ebidensya at magkaroon mismo ng trial, dahil ito ay nasa kamay na ng Senado bilang Impeachment Court.

Facebook Comments