
Dumating na sa San Ramon Prison and Penal Farm sa San Ramon, Zamboanga City ang 200 pang Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.
Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr. ang paglilipat sa PDLs ay bahagi pa rin ng pagpapaluwag sa piitan.
Oportunidad din aniya ito para sa rehabilitasyon ng mga inmate.
Sa ngayon, 16,530 PDLs na mula bilibid ang nailipat sa iba’t ibang mga piitan sa bansa.
Facebook Comments










