
Pinapayuhan ng New NAIA Infra Corporation (NNIC) ang mga air passenger na makipag-ugnayan muna sa kanilang airlines bago magtungo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ay sa harap ng pagkansela ng ilang airlines ng flights patungo sa Visayas at Mindanao dahil sa Bagyong Tino.
Ayon sa NNIC, kailangang alamin muna ng mga pasahero ang pinakahuling flight status bago sila magtungo sa airport.
Ang mga apektadong pasahero ay pinapayuhan din na makipag-ugnayan sa kanilang airlines para sa rebooking options at refunds.
Mahalaga rin anila na i-check ang official website at social media pages ng mga airlines para sa mga pinakabagong update.
Facebook Comments









