
Umapela si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa mga kapwa senador na dapat mauwi sa kongkretong solusyon ang bawat debate para sa 2027 national budget sa kabila pa rin ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni Cayetano na sa pagsalang ng pambansang pondo sa plenary deliberations ay nagkakasundo naman ang mga mambabatas sa kung ano ang kinakaharap na problema ng mga Pilipino, kabilang ang mahal na singil sa kuryente, pamasahe, pagtaas ng inflation, kawalan ng trabaho at pagkakasakit.
Iginiit ng minority leader na hindi lang basta tinukoy ang pinag-ugatan ng problema kundi dapat nilang mabigyan ito ng solusyon.
Tulad sa inaasahang matinding epekto ng Super El Niño, nanawagan si Cayetano sa mga ahensya ng gobyerno na sabayang kumilos para sa iisang plano dahil kung pagsisikap ng buong bansa ay kukulangin pa rin ang paghahanda ng ilang ahensya.
Dagdag ni Cayetano, hindi naman niya inaasahang ang pambansang pondo ang reresolba sa lahat ng problema pero maaari itong maging simula ng mga solusyon sa problema.










