Saturday, May 2, 2026

Senado, tiniyak na nakalatag ang mga kailangan sa inaasahang impeachment trial

Tiniyak ni Senate President Tito Sotto na sisiguruhing nakalatag ang lahat ng mga kailangan oras na magsagawa na ng impeachment trial ang Senado na tatayong impeachment court.

Ayon kay Sotto, kasama sa pinaghahandaan ang logistics tulad ng venue, pagkain, security measures, at ilan pang kailangan.

Aniya, ang Chairman ng Committee on Accounts na si Senator Ping Lacson ang titiyak na magiging maayos ang lahat ng logistics.

Sinabi pa ni Sotto na bukas sa publiko ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Pinag-aaralan din ang pagtatalaga ng tagapagsalita ng impeachment court, pero hindi senador ang kanilang pipiliin dahil magiging abala na sila sa paglilitis.

Facebook Comments