
Kinumpirma ni Migrant Workers Secretary Hans Cacdac na kinumpirma ng licensed manning agency na 38 Filipino crew members ang sakay ng MV Hondius sa Atlantic Ocean.
Nabatid na ang naturang cruise ship ay kontaminado ng Hantavirus.
Tiniyak naman ni Cacdac na walang Pinoy crew na apektado ng virus.
Sinasabing tatlo nang sakay ng cruise ship ang nasawi sa Hantavirus.
Nabatid na ang Hantavirus ay nakakahawa sa pamamagitan ng dumi, ihi at laway.
Napag-alaman din na ang nasabing virus ay maaring mauwi sa severe respiratory illness.
Facebook Comments










