Friday, November 20, 2026

Alegasyong may nilulutong “No-El” ang Kamara, walang basehan

Binigyang diin ni House Senior Deputy Speaker at South Cotabato 2nd District Representative Ferdinand Hernandez na walang basehan ang pinalulutang na ikinokonsidera ng Kamara na hadlangan ang 2028 national elections.

Ayon kay Hernandez, walang plano o panukalang isinusulong ang liderato ng Kamara para pigilan o ipagpaliban ang 2028 elections.

Tugon ito ni Hernandesz sa pahayag ng tagapagsalita ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Paolo Panelo Jr. na kunikilos ang Kamara para makansela ang 2028 elections, pahabain ang termino ng kasalukyang mga halal na opisyal o palitan ng parliamentary ang porma ng gobyerno.

Giit ni Hernandez, ang ganito kaseryosong alegasyon na may kaugnayan sa proseso ng halalan sa bansa ay dapat suportado ng beripikadong impormasyon.

Sabi ni Hernandez, malinaw ang posisyon ng House of Representatives na irespeto ang Constitution at electoral process gayundin ang karapatan ng mga mamamayang Pilipino na pumili ng kanilang leaders sa 2028.

Paliwanag ni Hernandez, hindi maaring baguhin ng mga mambabatas sa pamamagitan lang ng kasunduan o pagpapasya ang regular na eleksyon na itinatakda ng Saligang Batas at ang haba ng termino ng mga halal na opisyal sa ating bansa.

Facebook Comments