
Siniguro ng Department of Agriculture (DA) na sapat ang suplay ng agri-products 35 days bago ang Pasko.
Ayon kay DA Assistant Secretary for Legislative Affairs Atty. Genevieve “Bebang” E. Velicaria-Guevarra, marami ang suplay ng agri-products hanggang Disyembre.
Kaya naman kampante itong masusuplayan ng agri-products ang lahat ng mamimili hanggang Bagong Taon.
Pero asahan aniya ang bahagyang pagtaas ng presyo ng gulay na karaniwan ng nangyayari tuwing papalapit ang Pasko.
Kaninang umaga, nagsagawa ng Price and Supply Monitoring ang DA sa Mutya ng Pasig Mega Market sa Caruncho Avenue, Pasig City at sapat naman ang suplay ng agri-products.
Facebook Comments










