Cuayan City, Isabela – Inaprubahan na kahapon sa ginanap na sesyon ang
annual budget ng pitong barangay sa Cauayan City.
Unang isinumite ni City Budget Officer Virgilio M. Trinidad ang mungkahing
pondo sa pitong barangay para sa taong 2018.
Kinabibilangan ng pitong barangay ang Carabatan Grande, Sillauit, Labinab,
Sta. Maria, Tagaran, Nungnungan 2, at Gappal.
Kinatigan nman ito ni Hon. Edgardo M. De Luna kung saan lumabas sa
pagsusuri na sumunod ang pitong barangay sa mga probisyon at batas kaugnay
sa tamang paggamit ng mga nailaang pondo taong 2017 at dumaan sa tamang
alituntunin sa accounting at budgeting.
Kung kaya’t mahigpit na inirekomenda ni Hon. De Luna na aprubahan ang
resolusyon hinggil sa barangay annual budget ng pitong barangay.
Pinagtibay naman ito ni Hon. Leoncio A. Dalin, Jr., City Vice Mayor at
preciding officer ng City Council.