Monday, June 22, 2026

Pagprisinta ng “surprise witness” sa impeachment trial kay VP Sara Duterte, hindi ipagbabawal ng Senate Impeachment Court

Hindi ipagbabawal ng Senate Impeachment Court ang pagpiprisinta ng “surprise witness” sa mismong impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Clerk of Court Atty. Renato Bantug Jr., mayroong karapatan ang defense at prosecution team na gumawa ng reservations sa kanilang mga ihaharap na testigo na hindi available o naisama sa pre-trial conference.

Kung mayroon aniyang dagdag o surprise witness, ang kailangan lamang gawin ng depensa at prosekusyon ay abisuhan ang mga partido sa loob ng tatlong araw bago iharap sa impeachment court.

Sinabi ni Bantug na wala pa namang na-eliminate o inalis sa listahan ng mga testigong isinumite ng defense at prosecution team sa pre-trial conference.

Samantala, pinabulaanan din ni Bantug na nilamon ng defense team ni VP Sara si House lead prosecutor Congw. Gerville Luistro sa pre-trial conference noong nakaraang linggo.

Paliwanag ni Bantug, walang katotohanan ang isyu at tulad sa normal na set-up ng korte talagang nagkakaroon naman ng palitan ng mainit na diskusyon sa pagitan ng mga abogado.

Facebook Comments