Tuesday, June 16, 2026

Mga senador at iba pang personalidad na dumalo sa hindi lehitimong Senate Blue Commitee flood control hearing, posibleng maharap sa kaso—NBI

Maaaring maharap sa kaso ang mga senador at iba pang personalidad na dumalo sa flood control hearing ng ‘hindi lehitimong’ Senate Blue Ribbon Committee.

Sinabi ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag, kung hindi aniya kinikilalang ligal ang blue ribbon panel na nagsagawa ng pagdinig, malinaw na nagkaroon ng usurpation of authority.

Paliwanag niya, hindi protektado ng parliamentary immunity ang mga dumalo sa ibang komite kaya puwede silang kasuhan ng perjury, libel at defamation.

Noong June 4 nang nagsagawa ang Cayetano Bloc ng flood control hearing kahit idineklara ni Senate President Pro Tempore Win Gatchalian na walang official business sa Senado.

Nagpakita noon sa hearing ang tinaguring 18 bodyguards na nag-akusa sa maraming kasalukuyan at dating mambabatas ang tumanggap umano ng kickbacks flood control projects.

Facebook Comments