Monday, June 22, 2026

Pagharap ni resigned Ateneo Coach Tab Baldwin sa NBI kaugnay ng pagkalunod ng dalawang student-athlete, muling ipinagpaliban

Muling ipinagpaliban ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagharap ni resigned Ateneo coach Tab Baldwin.

Ito ang ikatlong pagkakataon na ipinagpaliban ang pagharap ng coach na isa sa mga idinadawit sa pagkasawi ng rookie athlete na si Rene Baterbonia at Divine Adili.

Martes noong nakaraang linggo ay inimbitahan na siya ng NBI pero hindi ito nakadalo.

Muling pinahaharap ang dating Ateneo Blue Eagles coach ng NBI noong Biyernes pero bigo itong magpakita dahil ipatawag din ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG na nagsasagawa rin ng imbestigasyon sa insidente.

Sinabi ni NBI Director Melvin Matibag, bukas ay nakatakda nang humarap si Baldwin sa bureau.

Kung maalala, noong nakaraang linggo ay humarap na sa NBI si coach Sandro Soriano at mahigit 20 kasalukuyan at dating players ng Ateneo Blue Eagles Basketball team.

Facebook Comments