
Itutulak ni Senator Erwin Tulfo ang panukalang “no work, no pay” sa mga matataas na opisyal ng gobyerno na liliban sa trabaho na walang malinaw na dahilan.
Ayon kay Tulfo, kasama sa panukala na “no work, no pay” ang pangulo, bise-presidente, senador, kongresista, at iba pang elected officials, cabinet secretaries at department heads.
Bukod sa hindi pagbibigay ng sweldo, kasama rin sa hindi ibibigay ang mga allowances sa mga opisyal na “absent without proper leave”.
Giit ni Tulfo, nakakahiya sa mga ordinaryong government employees na hindi sumusweldo kapag absent pero pag silang mga opisyal, ilang linggo o buwan nang absent ay may sweldo pa rin.
Binigyang-diin ni Tulfo na kailangang pantay-pantay ang lahat sa gobyerno pagdating sa pagpapasweldo at pag-absent.
Matatandaan na matagal hindi pumasok sa Senado si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na umabot ng anim na buwan pero patuloy na sumasahod.










