Anti-discrimination bill sa LGBT, pasado na sa Kamara

Manila, Philippines – Pasado na sa ikatlo at pinal na pagbasa ang House Bill 4982 o ang Sexual Orientation and Gender Identity and Expression Bill o SOGIE Bill na kumikilala sa pagkakapantay-pantay at sa karapatan ng mga LGBT.

Sa botohan,198 ang bomoto ng Yes sa panukala, zero Abstention at zero No.

Itinatakda ng SOGIE bill ang pagbabawal sa anumang uri ng diskrimasyon laban sa mga LGBT tulad ng denial ng access sa serbisyo, diskriminasyon sa trabaho at eskwelahan dahil sa pagiging kabilang sa LGBT.


Ipinagbabawal din dito ang pagtatakda ng mas malupit na disiplina o parusa sa mga estudyante base sa kanilang sexual orientation gayundin ang tanggihan ang aplikasyon para sa professional license o iba pang dokumento dahil sa sexual orientation.

Hindi rin pwedeng pagbawalan ang mga LGBT na pumasok sa alinamang establisimyento at hindi sila pwedeng pilitin na sumailalim sa medical o psychological examination dahil sa kanilang sexual orientation.

Ipinagbabawal din sa ilalim ng SOGIE bill na i-harass ng mga otoridad ang LGBT, hindi rin sila dapat na ipahiya ng sinuman o kahit pa isailalim sa profiling.

Ang mga lalabag dito ay mapapagmulta ng isang daang libo hanggang kalahating milyong piso at makukulong ng hanggang anim na taon.

Facebook Comments