Sa gitna ng patuloy na mga ulat ng pang-aabuso at karahasang nararanasan ng ilang kabataan sa iba’t ibang bahagi ng bansa, naglunsad ang mga awtoridad sa Sta. Barbara ng kampanya sa child protection.
Noong Hunyo 2, nagsagawa ang mga pulis ng information at awareness campaign laban sa rape at child abuse para sa mga magulang, daycare pupils, at kindergarten learners ng Botao Child Development Center sa Barangay Botao, Sta. Barbara, Pangasinan.
Sa isinagawang talakayan, binigyang-diin ang kahalagahan ng child protection, personal safety, at tamang pag-uulat ng anumang uri ng pang-aabuso.
Gumamit din ng mga age-appropriate na diskusyon upang mas madaling maunawaan ng mga bata ang mga paraan upang mapanatili ang kanilang kaligtasan.
Pinaalalahanan naman ang mga magulang na maging mas mapagmatyag sa kanilang mga anak at agad makipag-ugnayan sa mga awtoridad kung may pinaghihinalaang kaso ng pang-aabuso sa kanilang komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







