Nananawagan ng karagdagang tulong ang ilang pamilyang nasunugan sa bayan ng Urbiztondo matapos matupok ng apoy ang kanilang bahay at lahat ng ari-arian noong Mayo 25.
Panawagan ni Lyn De Guzman, anak mga biktima na mag-asawang senior citizen, ,matulungan sana umano sila na makabili ng materyales para sa pagtatayo ng bahay.
Pawang pagla-labandera lamang umano ang pinagkukunan nila ng kabuhayan kaya hirap silang makabangon matapos ang insidente.
Nauna nang nagpaabot ng paunang ayuda ang lokal na pamahalaan habang nagsagawa rin ng pagtugon ang pamahalaang panlalawigan para sa mga naapektuhang residente.
Mayroon ding mga indibidwal na nagbigay ng damit at iba pang pangunahing kagamitan upang makatulong sa pansamantalang pangangailangan ng pamilya habang nagsisimula silang makabangon mula sa trahedya.
Problema din umano ang kanilang masisilungan lalo’t papalapit na ang tag-ulan.
Sa mga nais magpaabot ng tulong para sa pamilya, maaaring makipag-ugnayan sa numerong 0910-139-9059. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










