Dalawang kabilang sa most wanted persons ang naaresto ng pulisya sa magkahiwalay na operasyon noong Hunyo 1, kabilang ang isang Top 10 Most Wanted Person sa regional level na nadakip sa Bugallon, Pangasinan.
Ang 27-anyos na suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong theft na may itinakdang piyansang ₱120,000.
Pinangunahan ang operasyon ng mga tauhan ng 105th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 1 sa pakikipag-ugnayan sa Bugallon Municipal Police Station, RIU Pangasinan PIT, at CIDG Pangasinan PFU.
Samantala, isang 62-anyos na lalaki naman na kabilang sa Top 6 Most Wanted Persons sa provincial level ng Nueva Ecija ang nasakote rin sa magkasanib na operasyon ng Rosales Municipal Police Station at Cuyapo Municipal Police Station.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Ayon sa pulisya, ang pagkakadakip sa dalawang high-ranking wanted person ay alinsunod sa patuloy na pagtutok ng mga awtoridad sa paghahanap sa mga pinaghahanap ng batas at pagpapatupad ng mga kautusan ng korte. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








