Negosyante, patay nang pagbabarilin sa Maynila

Manila, Philippines – Patay ang isang negosyante matapos pagbabarilin ng hindi nakikilalang suspek sa lungsod ng Maynila.

Kwento ng asawa ng biktima, naniningil lamang ng utang ang biktimang si Elbert Salmorina nang barilin ito ng suspek sa harap ng kanyang anak.

Mabilis aniya na nakatakas ang suspek tangay ang motorsiklo, bag at lisensyadong baril ng biktima.


Naniniwala ang otoridad na pagnanakaw ang motibo sa krimen dahil hindi na narekober ang baril at bag ng biktima na naglalaman ng pera, ATM, bankbook at mga alahas.
*

Facebook Comments