Arestado ang isang lalaki na nahuling may dalang baril matapos manggulo sa isang karnabal sa bayan ng Caoayan, Ilocos Sur, madaling araw nitong October 9, 2025.
Kinilala ng mga pulis ang suspek bilang 31-anyos na residente ng Barangay Poblacion, Santol, La Union.
Sa tulong ng mga empleyado ng karnabal, rumesponde ang kapulisan upang mahuli ang suspek matapos makatanggap ng ulat hinggil sa ginawa nitong panggugulo.
Nakumpiska mula rito ang isang baril, magazine at 13 bala.
Ayon kay PCapt. Lyka Bayasbas, hepe ng Caoayan MPS, nagdulot ng kaguluhan ang suspek matapos umanong malasing habang nasa karnabal.
Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Caoayan Police Station ang suspek para sa imbestigasyon at posibleng pagsasampa ng kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









