LABI NG LALAKING NAWAWALA, NATAGPUAN SA BUNDOK SA DASOL, PANGASINAN

Isang kalansay ng lalaki ang natagpuan ng awtoridad sa bahagi ng bundok sa Brgy.Viga, Dasol, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na isang 44 anyos na mag-uuling at residente sa lugar.

Sa panayam ng IFM News Dagupan sa Dasol Police Station, mismong ama ng biktima ang kumilala sa bangkay dahil sa suot nitong damit at personal na kagamitan.

Ayon sa pamilya, matagal nang dumaranas mula sa kondisyon sa mental health at altapresyon ang biktima at tumanggi nang magpakonsulta simula Abril ngayong taon at piniling manirahan sa kabundukan.

Huling nakita ng pamilya ang biktima noong September 24.

Pinaniniwalaang nakagat ng ahas habang nangunguha ng kahoy na gagawing uling sa bundok ang biktima, na posibleng naging sanhi ng kanyang kamatayan at nagpalala sa kanyang karamdaman.

Nakatakda pang magsagawa ng post-mortem examination sa katawan ng biktima upang malaman ang sanhi sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments