Saturday, May 2, 2026

Labor Day greetings ni PBBM aat ES Recto, hindi sapat

Dismayado si Kamanggagawa Party-list Rep. Elijah “Eli” San Fernando na pawang pagbati o Labor greetings lamang ang naibigay ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. at Executive Secretary Ralph Recto para sa mga manggagawa sa buong bansa nitong Mayo Uno.

Giit ni San Fernando, ang nabanggit na mga pagbati ay walang saysay kung hindi naman tatapatan ng kongkretong aksyon para mapagtibay ang mga nakabinbing na panuklang umento sa sahod at reporma sa pagbubuwis.

Diin ni San Fernando, ang kailangan ng mga manggagawa ay itaas ang sahod, buwagin ang provincial rate, at tanggalin ang VAT — hindi mga pagbati na labas sa ilong o walang sinseridad.

Pangunahing tinukoy ni San Fernando na mga nakabinbing panukala ang Legislated Wage Increase ng TUCP, ang HB 8081 ng Kamanggagawa para sa National Minimum Wage, at mga panukalang magtatanggal o magbabawas ng VAT sa kuryente, tubig, at langis.

Facebook Comments