
Inihayag ni Ferdinand Marcos Jr. na bibigyan ng priority access sa Pag-IBIG Fund housing program ang mga guro at iba pang personnel ng Department of Education (DepEd) upang mas madali silang makakuha ng abot-kayang pabahay.
Ayon sa Pangulo, ipatutupad ito sa pamamagitan ng housing fair sa iba’t ibang bahagi ng bansa kung saan mapapabilis ang aplikasyon, may loan counseling, at iba pang serbisyong makatutulong sa mga aplikante.
Sinabi ni Marcos na layunin ng programa na matulungan ang mga guro at empleyado ng DepEd na magkaroon ng sariling bahay.
Tiniyak din ng Pangulo na magpapatuloy ang pamahalaan sa mga programang mag-aalaga sa kapakanan ng mga guro, magbibigay ng oportunidad sa kanila, at kikilala sa kanilang mahalagang serbisyo sa bansa.
Facebook Comments










