Friday, May 1, 2026

Drone operation ng media at volunteers ng Atin Ito Coalition, nag-jam habang naglalayag patungong Pag-Asa Island

Nagkaroon ng pag-jam sa drone operations ng media at volunteers ng Atin Ito Coalition na lumayag patungo sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea upang maghatid ng mga pagkain at gasolina ,at magsagawa ng medical outreach para sa mga residenteng nakatira roon.

Kasabay ito ng presensya ng mga barko ng China na namataan din ng grupo kaninang umaga at ngayong hapon.

Ayon sa ulat,hindi sila makapagpalipad ng drones dahil kinakailangan munang magrehistro sa Civil Aviation Administration ng China.

Samantala, kaninang 3:50 ng hapon, nakarating na ang Atin Ito advance party sa Pag-asa Island kung saan sinisimulan nang ibaba ang mga kargang suplay ng pagkain at gasolina.

Inaasahan na bukas naman darating ang main vessel ng Atin Ito’s 4th Civillian Mission lulan ang mga volunteers at mga foreign media.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na suportado nila ang ikaapat na civilian-missionng nasabing grupo at patuloy silang mag-mo-monitor dito.

Facebook Comments