Average na kaso ng COVID sa bansa kada araw sa nakalipas na linggo, mas mababa sa 200

Courtesy: Department of Health

Mula Enero 23 hanggang 29 ay nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,206 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw sa nakalipas na linggo ay nasa 172.

Ito ay mas mababa ng 36% kumpara sa mga kaso noong Enero 16 hanggang 22.


Sa mga bagong kaso, isa sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.

Nakapagtala naman ng 74 COVID patients na binawian ng buhay sa nakalipas na araw.

Facebook Comments