
Nagsagawa ngayong araw price and supply monitoring ang Department of Agriculture (DA) sa Mutya ng Pasig Mega Market sa Caruncho Avenue, Pasig City.
Pinanginahan ni DA Assistant Secretary Genevieve V. Guevarra ang monitoring sa bigasan, fish, meat at vegetable section.
Sa assessment ni Guevarra, may mga mababa ang presyo gaya ng isda, karneng baboy at manok.
Pero may mga ilan namang gulay ang tumaas ang presyo.
Layunin ng monitoring na tiyakin ang sapat na suplay ng mga pangunahing bilihin at masiguro ang pagsunod sa tamang presyo sa mga pamilihan.
Facebook Comments










