Babae arestado sa drug buy bust ng PP3

Arestado ang isang 48 anyos na babae makaraang magsagawa ng drug buy bust operation ang PP3 na pinangunahan ni PSI Leonardo Enggay at city drug enforcement unit bandang alas dos ng hapon sa bahagi ng esteros barangay tamontaka mother…. Kinilala ang suspect nasi Anna Tundag Malingko alyas niknik na resident eng barangay Bagua tres, na nakuhanan ng isang malaking sachet ng shabu na nagkakahalaga ng 5000 pesos, cellphone at perang ginamit na marked money.
Ayon sa report, matagal na umanong nasa radar ng kapulisan ang suspect matapos ang ginawang surveillance sa kanya dahil sa pagtutulak nito ng droga…kayat ikinasa kahapon ang buy bust na nagresulta sa pagkahuli ng suspect…Siyay nakapiit na sa PP3 at nahaharap sa paglabag sa RA-9165.

Facebook Comments