Friday, April 24, 2026

BABAE, ARESTADO SA SAN FERNANDO, LA UNION DAHIL SA KASONG ESTAFA

Arestado ang isang 36 anyos na babae matapos madakip ng mga operatiba ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong estafa.

Kinilala ang suspek bilang residente ng nasabing lungsod at inaresto bandang alas-11:18 ng umaga sa pinagsanib na operasyon ng City of San Fernando Police Station bilang lead unit, katuwang ang iba pang yunit.

Ayon sa ulat, ang pagkakaaresto ay isinagawa sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Estafa in relation to Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 na may inirekomendang piyansang ₱36,000.

Matapos ang operasyon, agad dinala ang akusado sa kustodiya ng City of San Fernando Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments