
Naghain ng Motion for Reconsideration ang ilang abogado at doctor sa Office of the Ombudsman ngayong Huwebes ng umaga, June 18 para suriing muli ang resolusyon kaugnay ng pagta-transfer ng P60-B na reserve funds ng PhilHealth sa National Treasury nina dating Finance Secretary na ngayon ay acting Executive Secretary Ralph Recto at PhilHealth President and CEO Emmanuel Ledesma Jr.
Kasunod yan ng pagbabasura ng mga reklamong graft, plunder, at technical malversation laban sa mga respondents, kung saan iginigiit ng mga abogado at doktor na nagkamali umano ang Office of the Ombudsman.
Nabanggit din sa mosyon na tumaas umano ang pondo ng mga proyekto sa Lipa City sa P3.6-B noong 2024 mula sa P50-M noong 2023, na posible umanong may kinalaman sa nasabing isyu.
Gayunpaman, iginigiit ng grupo na mas kailangang tingnan ang bigger picture o mas malalang pagwawaldas ng pondo at huwag lang ang pagta-transfer ng reserve funds ng PhilHealth sa National Treasury.










