Friday, June 19, 2026

Paglikha ng ‘Department of Disaster Resilience,’ muling isinulong sa Kamara kasunod ng malakas na lindol sa Mindanao.

Isinulong ni Pinoy Workers Party-list Rep. Karl Fernandez Legazpi ang paglikha ng Department of Disaster Resilience (DDR) kasunod ng tumamang malakas na lindol sa Mindanao.

Layunin sa pagtatag ng DDR na maging sentralisado ang pagpaplano, pagtugon, at koordinasyon sa pagitan ng national at local government, mga ahensya at non-government entities tuwing may kalamidad.

Katwiran ni Legazpi, ang kasaluyang mga kalamidad ay hindi dapat ituring na emergencies lamang dahil kailangan ito ng buong taong paghahanda, pagpigil sa pinsala at rehabilitasyon.

Bunsod nito ay iginiit ni Legazpi na kailangan ng bansa ang isang ahensya na nakatutok lang sa preparasyon, pagtugon at mabilis na pagbangon ng mamamayan at komunidad na tinatamaan ng kalamidad tulad ng bagyo, baha, lindol, pagputok ng bulkan at iba pang trahedya.

Facebook Comments