Saturday, June 20, 2026

Mga luxury cars ng pamilya Discaya, isasailalim sa auction ng BIR

Inanunsyo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na isasailalim sa public auction ang apat na luxury vehicles na pagmamay-ari ng pamilyang Discaya.
 
Ang mga nasabing sasakyan ay nasamsam mula sa St. Gerrard Construction General Contractor & Development Corporation na pagmamay-ari ng naturang pamilya.
 
Ayon sa BIR, gaganapin ang auction sa June 29 mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali sa BIR National Office sa Quezon City.
 
Maaari namang inspeksyunin ng mga prospective buyers ang mga sasakyan sa June 23 mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon sa BIR National Office Motorpool sa Diliman.
 
Kabilang sa mga ibebenta ang Mercedes-Benz Sprinter 2017, Mercedes-Benz GLS 350D AMG 2020, Range Rover LWB 2019, at Land Rover Defender 130 S 2023.
 
Tinatayang nasa ₱26.14 million ang kabuuang halaga ng mga nasabing sasakyan, na ibebenta sa ilalim ng “as is, where is” basis.

Facebook Comments