BABAENG WANTED SA KASONG ESTAFA, NAARESTO SA STA. BARBARA

Naaresto ng Sta. Barbara Municipal Police Station ang isang 29-anyos na babae na wanted sa kasong Estafa kahapon ng hapon.

Ayon sa tala ng pulisya, ang suspek ay isang saleslady at residente ng bayan. Dagdag dito, kabilang ang operasyon sa Target Intelligence Packet (TIP) Manhunt Charlie ng pulisya.

Nahuli ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Estafa na may ₱18,000 na inirekomendang piyansa.

Sa ngayon, ang akusado ay nasa kustodiya ng Sta. Barbara Police Station habang inaasikaso ang kanyang kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments